Manila, Philippines – Inaayos na ang paglalagay ng 42,000 satellite receivers para sa libre internet sa mga liblib na barangay sa buong bansa.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar – ito ay para mabigyan ng direct access kay Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko.
Dagdag ni Andanar, taong 2017 pa inaprubahan ng Pangulo ang proyekto.
Magkakarooon aniya ng government bulletin board channel para sa lagay ng panahon, at channels sa mga pangunahing government agencies gaya ng Department of Interior and Local Government, Armed Forces of the Philippines, Department of Health at iba pa.
Lahat aniya ng kalamidad, mga babala, lahat ng balita, bulletin board mula sa gobyerno ay maipaparating hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas.
<#m_-1184589395303880185_m_-2649220861672806487_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>