AAYUSIN | P22-B na rehab project sa MRT-3, aprubado na

Manila, Philippines – Aprubado na ng investment coordination committee-cabinet committee ang 22-billion pesos para sa rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Ang nasabing proyekto ay popondohan ng Official Development Assistance (ODA) ng bansang Japan.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), sisimulan na sa ikatlong bahagi ng 2018 ang rehabilitation project ng MRT-3 at inaasahang matatapos ito sa first quarter ng taong 2021.


Sakop sa rehabilitation program ng MRT-3 ang mga train, power supply system, radio system, signaling system, public address system pati na rin ang mga CCTV.

Kapag natapos na ang rehabilitation project ay inaasahang aabot na sa 60 kilometers per hour ang magiging bilis ng takbo ng mga MRT trains.

Inaasahan rin na tatlong minuto na lamang ang waiting time para sa mga pasahero.

Facebook Comments