Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na asahan na ang mas mabigat pang daloy ng trapiko sa Mandaluyong at Makati City.
Ito ay bunsod nang pag-uumpisa ng konstruksyon ng Estrella-Pantaleon Bridge.
Ayon sa MMDA, alas otso sa Linggo isasara na sa daloy ng trapiko ang nasabing tulay.
Sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang Estrella-Pantaleon Bridge ay ide-demolish o sisirain tsaka tatayuan ng mas matibay at malawak na tulay.
Sa loob ng 30 bwan o dalawat kalahating taon kukumpunihin ang tulay.
Kapag natapos ang konstruksyon, mula sa 2 linya ay magiging apat na ang linya sa Estrella-Pantaleon Bridge.
Kasunod nito, asahan na ayon sa MMDA na mas lalala pa ang traffic congestion sa EDSA dahil maraming sasakyan ang magdi-divert at dadaan sa Guadalupe Bridge.
Sa tantya ng MMDA tinatayang 100,000 sasakyan ang dumaraan sa Estrella-Pantaleon Bridge kada araw.
Ang nasabing tulay ang nagkokonekta sa Mandaluyong at Makati City.