AAYUSIN | Pagsasaayos sa ilang tulay at flyover sa Metro Manila, ikakasa

Manila, Philippines – Asahan na ang matinding trapiko kasabay ng pagsasaayos sa ilang tulay at flyover sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Deputy Chairman Francis San Juan, kinakailangan nang ipaayos ang mga tulay at flyover dahil posibleng bumigay ang mga ito ano mang oras bunsod ng katandaan.

Kabilang sa mga aayusing tulay ay ang Magallanes interchange sa Edsa, Guadalupe Bridge sa Makati at Jones Bridge, Mc Arthur Bridge, Quezon Bridge, Del Pan Bridge, at Otis Bridge sa Maynila.


Kasama rin ang tatlong tulay sa Xavierville at sa Katipunan sa Quezon City.

Maliban rito, sabi ni MMDA Traffic Engineering Head Noemie Recio, kailangan na ring mapatibay ang mga flyover sa Edsa dahil matatanda na rin ang mga ito.

Facebook Comments