AAYUSIN | Pulong ng Pangulo kasama ang mga Kongresista at mga Senador, layong plantsahin ang deadlock sa BBL – Malacañang

Manila, Philippines – Aayusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gusot o deadlock sa pagitan ng Kamara at ng Senado patungkol sa ilang contentious na probisyon ng Bangsamoro basic law o BBL.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng balita na makakaroon ng Pulong ang liderato ng kamara at ng Senado ngayong hapon kay pangulong Duterte dito sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, susubukang ayusin ng Pangulo ang buhol sa BBL kung saan hindi magkasundo ang mga mambabatas sa ilang probisyon ng nasabing panukala.


Binigyang diin ni Roque na malinaw ang pangako ni Pangulong Duterte na ipapasa ang BBL sa ilalim ng kanyang Administrasyon at ito ay tutuparin ng Pangulo.
Nabtid na hindi magkasundo ang Senado at Kamara sa probisyon ng BBL sa Territorial Jurisdiction, Wealth Sharing, Exclusive at reserve powers of Government.

Facebook Comments