AAYUSIN | Temporary Shutdown sa Boracay ikinakasa na ng Inter Agency Task Force

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni DOT Public Affairs Communication Secretary Ricky Alegre na inirerekomenda ng Inter Agency Task Force na kinabibilangan ng DOT, DILG, DENR, DSWD, LGU’s at DOLE na temporary shutdown sa Boracay ng anim na buwan upang rehabilitate ang naturang beach resort.

Sa ginanap na forum sa kapihan sa Manila Bay sinabi ni Alegre mahigit na 30 libong ang apektado ng pagpapasara at 5 libong manggagawa naman ang mawawalan ng trabaho, kaya ang TESDA at DOLE ay magsasagawa ng mga seminar para sa apektadong manggagawa.

Kabilang aniya sa isasagawang workshop, training activities, water safety at hazard training maging tour guide upang mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga maaapektuhan ng shutdown.


Paliwanag ni Alegre na ang Inter Agency Task Force ay magsasagawa ng multi sector workshop sa darating na April 11 at 12 kung saan inaasahan na dadaluhan ng mahigit isang daang participants ng mga mawawalan ng trabaho.

Giit ni Alegre na natutuwa sila na mismo ang Gobernador ng naturang lugar ang nanguna sa paglilinis upang maibalik ang ganda ng Boracay at dadayuhin muli ng mga turista.

Facebook Comments