Abalang maaaring idulot sa motorista ng konstruskyon sa Manila-Clark railway project, ipinaalala

Manila, Philippines – Ngayon pa lamang ay nagpaalala na si Socio Economic Planning Sec. Ernesto Pernia sa abalang maaaring idulot sa motorista ng konstruskyon sa 255-bilyong pisong Manila-Clark railway project.

Ito’y kahit sa huling bahagi pa ng taon sisimulan ang proyekto.

Ayon kay Pernia, asahan ang 24/7 na konstruksyon sa 106-kilometer railway na una nang minarkahan sa Tutuban, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan at Marilao Sa Bulacan.


Isusunod dito ang mga istasyon ng Solis, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Kalumpit, Apalit, San Fernando, Angeles, Clark, Clark International Airport at New Clark City sa Pampanga.

Una nang sinabi ng Department of Transportation na aabot na lang sa 55 minuto, mula sa dating dalawa hanggang tatlong oras ang biyahe mula Maynila hanggang Pampanga oras na matapos na ang naturang railway project.

Facebook Comments