Tiniyak ni DILG Secretary Benhur Abalos na “transparent” ang ginawang pag-iimbentaryo sa multi-billion peso na nasamsam na iligal na droga sa Alitagtag, Batangas.
Ginawa ni Abalos ang paglilinaw matapos umani ng pagdududa sa ilan sa regularidad ng ginawang operasyon at imbentaryo sa droga.
Ani Abalos, isinagawa ang pag-iimbentaryo sa harap ng mga testigo at iba pang awtoridad habang naka-video umano ang kabuuan ng proseso.
Simula nang mahuli aniya ang suspek at masamsam ang iligal na droga nakadokumento ito at binuksan din sa media ang pagprisinta sa mga ebidensya.
Idinagdag pa ng kalihim, ang naunang pagtaya sa nasamsam na ilegal na droga ay base sa inisyal na bilang ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Subalit matapos ang imbentaryo, lumalabas na 1,424.253 kilo lahat ang nasamsam na ilegal na droga.