Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga otoridad ang tinatayang 1,500 board feet na inabandonang pinutol na mga kahoy sa Sitio Avocado, Brgy Dissimungal, Nagtipunan, Quirino.
Pinangunahan ito ng pwersa ng 86th Infantry (Highlander) Battalion, 5th Infantry (Star) Division Philippine Army at Community Environment Natural Resources Office (CENRO).
Pinuri naman ni BGen. Laurence Mina, commnder ng 5ID ang iba’t ibang sangay ng gobyerno na nagresulta ng kumpiskasyon ng mga nasabing iligal na kahoy.
Tiniyak naman ng pwersa ng kasundaluhan ang mahigpit na pagpapatupad para maiwasan ang iligal na pamumutol ng kahoy.
Facebook Comments