Manila, Philippines – Ngayong oktubre, posibleng ilabas ang resulta ng isinasagawang public hearing ng regional tripartite wage board hinggil sa hirit na P334 wage hike increase ng mga labor group.
Kahapon nang simulan ng wage board ang konsultasyon kasama ang DOLE, DTI, NEDA at mga kinatawan muna sa mga labor at employer group.
Gayunman, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – hindi pa nila alam kung magkano ang magiging dagdag-sahod pero tiyak aniya na mas mataas pa ito sa P20.
Nilinaw din naman ng kalihim na hindi nila pwedeng gawing pantay-pantay ang minimum wage ng mga manggagawa sa buong bansa dahil nakadepende ang sahod nila sa inflation rate ng bawat rehiyon.
Facebook Comments