ABANGAN | PRRD mayroong sorpresa sa SONA ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na may aabangan ang taumbayan na lalamanin ng Talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Matatandaan na noong nakaraang taon ay sinabi Presidential Communications Secretary Martin Andanar, na nakaiiyak ang talumpati ni Pangulong Duterte sa SONA pero nabatikos ito dahil ayon sa mga nakapanuod ay wala namang nakaiiyak sa naging talumpati ng Pangulo.

Ayon kay Andanar, mayroong surpresa si Pangulong Duterte sa kanyang talumpati at dapat itong abangan ng mamamayan.


Wala naring detalye na ibinigay pa si Andanar sa iba pang lalamanin ng talumpati ng Pangulo.

Dagdag pa ni Andanar, hindi din maiiwasan na mag-adlib si Pangulong Duterte sa kanyang talumpati dahil ganito talaga ang Pangulo.
Sinabi din ni Andanar na Relax si Pangulong Duterte sa kanyang rehearsal kagabi sa Malacañang at nagbibiro pa ito.

Facebook Comments