ABANGAN! | UAAP Cheerdance Competition, bukas na

UAAP – Excited na ang ilang fans sa UAAP season 80 Cheerdance Competition na gaganapin bukas, alas-una ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Target ng defending champion National University Pep Squad na masungkit nila ang ikalimang titulo kung saan nais nilang mapantayan ang nakuha ng UST Salinggawi Dance Troupe na five-peat mula noong 2002 hanggang 2006.

Pero hindi magiging madali para sa N.U. ang laban dahil muling sasabak sa kumpetisyon ang UP Maroons Pep Squad na hindi sumali noong nakaraang season bilang protesta sa naging resulta ng panalo noong 2015.


Hindi din naman pahuhuli ang second-placer na FEU Cheering Squad at third-placer Adamson Pep Squad na umaasang makukuha din ang kampeonato.

Facebook Comments