Cauayan City, Isabela – Inilunsad kahapon ang Avanse Isabelina ang bagong Non Government Organization ng mga kababaihan sa buong lalawigan ng Isabela na ginanap mismo sa F.L.Dy Coliseum, Cauayan City, Isabela.
Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay Isabela 3rd District Board Member Atty. Randy Arreola, sinabi niya na naging kasama niya sa launching at signing of covenant ng Abanse Isabelina sina Congressman Paul Dy at ANAC-IP’s Representative Bentot Panganiban.
Ipinahayag ni Atty Arreola na unang naghain ang conveyor ng nasabing organisayon sa tanggapan ng dalawang kongresista at nangako na makikipagtulungan sila sa mga programa at layunin ng Avanse Isabelina.
Pangunahin sa adhikain ng Abanse Isabelina ay matulungan ang kababaihan tungkol sa edukasyon at kalusugan kung saan ang mga proyekto ng dalawang deputado ay hinggil din sa edukasyon at kalusugan.
Ipinaliwanag pa ni Atty Randy Arreola na sa inilatag na unang plano ng naturang organisasyon ay magkakaroon ng medical mission at seminar patungkol sa kung paano pangalagaan ng mga kababaihan ang kanilang kalusugan at seminar hinggil naman sa mga karapatan ng mga kababaihan.
Aniya ang mga aktibidad ng Avanse Isabelina ay uugnay din sa mga batas na naipasa na sa kongreso at lahat ng probisyon ng batas tulad umano sa Republic Act 9262 o Violence Againts Women and Childrens o VAWC at hinggil sa mga Women Empowerment.