Abby Binay kinuyog ng pro-Duterte netizens sa pagbatikos kay VP Sara: ‘No vote idineklara’

Kinuyog ng ilang tila pro-Duterte netizens si Makati Mayor Abby Binay sa social media nang soplahin nito si Vice President Sara Duterte hinggil sa pagbatikos laban sa pamamahagi ng P20 kada kilong bigas sa Kabisayaan sa kabila ng ipinagbabawal ng Comelec.

Sa isang post ng news website, makikit ang maraming comments ng netizens na inuupakan si Abby Binay na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa.

Aabot sa 113 comments, 166 reaksyon at tatlong shares na karamihan ay nanghihikayat na huwag iboto si Abby Binay bilang tugon sa pagbatikos kay VP Sara laban sa pamamahagi ng bigas na tig-P20 kada kilo kahit labag sa Omnibus Election Code.

Ang pahayag ni Binay ay kasunod sa isinagawang press conference kung saan may banat ito sa ikalawang pangulo.

Hindi ito pinalampas ng ilan na tila supporters ni Duterte kung saan sasalamin sa pagsusuri ng 3RD_AI_ na makababawas sa tiyansa ni Abby Binay na makapasok sa Magic 12 dahil sa pagbatikos sa ibang political figure tulad ni Duterte.

Tumutugma rin ang sitwasyon sa pagdedeklara ng “no vote” kay Abby Binay sa pag-aanalisa ng 3RD-AI_ na malaki ang posibilidad na malaglag ang alkalde sa Magic 12 na nakapuwesto ika-11-14 ng winning circle.

Ilan sa mga komento kay Abby Binay ay tinawag umano itong trapo, bitter, tiwali, sipsip at mahilig makisawsaw kung kaya panawagan nila ang zero votes sa darating na eleksyon.

Facebook Comments