ABC-News HQ, sinalakay!

Sinalakay ng mga otoridad ang headquarters ng Australian Broadcasting Company o ABC News sa Sydney, Australia.

Ito ay may kaugnayan sa mga istoryang nai-cover ng kumpanya noong 2017 tungkol sa mga akusasyong hindi makatarungang pagpatay sa ilang mga bata at kalalakihan na ginawa ng Australian Special Forces sa Afghanistan.

Hinalughog ng mga pulis ang opisina ng broadcasting company, target ang tatlong mamamahayag na nanguna sa investigative report noong 2017 na ‘The Afghan Files’.


Kinuha din ng mga ito ang handwritten notes, emails, story drafts, footages at passwords ng mga reporters.

Pero, nanindigan ang kompanya kung saan sinabi ni ABC Editor Director Craig McMurtrie na po-protektahan nila ang kanilang mga mamamahayag maging ang kanilang mga source .

Umani naman ng kaliwa’t kanang batikos mula sa mga grupo ng mamamahayag ang ginawang pagsalakay ng pulisya.

Facebook Comments