ABC Pres. sa Oriental Mindoro, arestado matapos makuhaan ng shabu

Manila, Philippines – Arestado ang isang Association of Barangay Council (ABC) President matapos makuhaan ng ilang sachet ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng PNP MIMAROPA at PDEA.

Kinilala ang naarestong suspek na si Amando De Sagun Orbeta, ABC President, Municipality of Victoria, Oriental Mindoro.

Si Orbeta ay isa sa tinaguriang high value target batay sa listahan ng PNP AT PDEA.


Sa ulat ng PNP MIMAROPA naaresto ang suspek sa Brgy. Babangonan, Victoria, Oriental Mindoro kahapon.

Nakuha kay Orbeta ang 12 piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakuha rin dito ang isang libong pisong marked money at 29 piraso ng 1000 peso bill.

Apat na piraso ng 500 peso bills, apat na piraso ng 100 peso bills,

Sa ngayon nasa kustodiya na ng PNP ang naarestong suspek.

Facebook Comments