ABC President ng Iligan suportado ang cheching sa bawat barangay sa Iligan

ILIGAN CITY- Suportado ni Association of Barangay Council o ABC President Cesarve Siacor ang nais ng karamihan sa lungsod na magsagawa ng checking sa bawat bahay sa mga barangay. Itoy para matukoy ng kapulisan at ng mga barangay officials ang mga nakatira o bagong nakatira sa isang lugar o barangay. Sinabi ni Siacor maganda ang hangarin ng nasabing hakbang para masiguro din kung sino ang mga tunay na nakatira sa isang bahay at kung sino naman ang mga kaanak o kaibigan na galing sa marawi city. Dagdag pa ni Siacor isang paraan din ito para maharangan at hindi makalusot ang kahit sino mang gropo na nagtangkang lumosob sa syudad para maghasik ng kagulohan. Ang mga barangay officials sa bawat barangay sa iligan at kapulisan ang mangunguna sa gagawing checking sa bawat bahay-bahay sa lungsod ng iligan.(GHINER L. CABANDAY, RMN ILIGAN-DXIC)

Facebook Comments