Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang kasalukuyang ABC President at ex-oficio o honorary member ng Sangguniang Bayan ng Datu Abdullah Sangki, sa probinsiya ng Maguindanao makaraang ito pagbabarilin ng di pa nakikilalang gunman sa Barangay Kapinpilan, sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao pasado alas siyete ng umaga kahapon (Feb 27) .
Kinilala ang biktimang si councilor Edris Dading Sangki, 45 anyos at residente ng Barangay Kaya-Kaya, ng bayan ng Datu Abdullah Sangki na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan , tinamaan sa kanyang tagiliran si Sangki matapos barilin ng suspek na nakasakay ng motorsiklo.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa pamamaril sa biktima.
The ABC President of the Datu Abdullah Sangki town in Maguindanao survived in a shooting incident when two raiding in tandem assassin fired using hand gun in Brgy. Kapinpilan, Ampatuan municipality yesterday around 7:00 o’clock in the morning Feb. 27.
Police identified the victim as Edris Dading Sangki, 45 year old and the Chairman of Brgy. Kaya-kaya who sustained gunshot wound in his body.
The victim was driving his vehicle with his son when the suspects fired at him. Suspects immediately escape while the victim was brought to the nearest hospital. His son was unhurt in the incident.
Local Police are still in the process of their investigation on the incident.
Amer Sinsuat