ABC President ng South Upi patay sa pamamaril

Patay ang ABC President ng South Upi Maguindanao matapos mabiktima ng pamamaril sa Brgy. Dalumangcob Sultan Kudarat pasado alas 2 ng hapon kahapon.
Sa report mula sa PNP, kinilala ang nasawing biktima na si Jordan Abdulraman Ibrahim, AKA Jordan Campong, 37 years old, kapitan ng Brgy. Pilar.
Sinasabing sakay ng kanyang vehicle ang biktima at huminto lamang para bumili ng star apple sa mga nagbebenta sa gilid ng highway ng lapitan ng riding in tandem criminals at bigla na lamang paputukan.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit naideklara itong dead on arrival dahil sa natamong multiple gunshot wound.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP kung sino ang responsible at dahil ng pagpatay kay kapitan.
Photo Credit to South Upi Highlights

Facebook Comments