ABC President sa Pangasinan arestado dahil sa paglabag sa RA 10591

Rosales Pangasinan – Sa pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Force Unit at Urdaneta City at Rosales Municipal Police Station and Maritime Unit 1 inihain ang search warrant na pinalabas ni Judge Mervin Samadan ng RTC Branch 70 ng Burgos Pangasinan laban kay Barangay Chairman Crisanto Coloma ng Brgy. San Pedro West, Rosales Pangasinan at kasalukuyang ABC President.

Nakuha sa suspect ang isang kalibre 45 na walang serial number, homemade na kalibre 38, 46 na piraso ng bala para sa calibre 9, 43 na piraso ng bala calibre 38, nasa 26 na piraso ng bala para sa 12 gauge shotgun, 15 piraso ng bala para sa calibre 45, 1 piraso ng bala para sa M16 rifle, 1 piraso ng M203 Rifle Grenade, 1 piraso ng mahaba at maikling magasin ng 12 gauge shotgun, at 2 magasin ng calibre .45, 2 lagayan ng baril na kulay itim at camouflage 2 itim na sling bag.

Kakaharapin ng suspect ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o mas kilala bilang Comprehensive Law on Fire-arms and Ammunition Regulation Act. Sa ngayong nasa kustodiya ng CIDG Urdaneta ang suspect at mga nakumpiskang illegal firearms, ammunitions and explosives.


Samantala binigyang diin ni PNP Regional Director PBGen. Joel Orduña na mas paigtingin ng kapulisan sa rehiyon ang pagsiguro ng katiwasayan at kapayapaan sa nasasakupan sa pamamagitan ng pagsugpo ng kriminalidad.

Facebook Comments