Manila, Philippines – Patuloy pang bineberipika ng Armed Forces of the Philippines ang report na patay na si Abdullah Maute.
Ayon kay AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, kahapon lamang nila natanggap ang impormasyon na sinasabing napatay ang Maute leader sa nagpapatuloy na clearing operation ng militar.
Pero ang malinaw aniya – nananatili sa marawi ang magkapatid na Abdullah at Omar Maute maging si Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon.
Sa ngayon – dalawang barangay nalang ang hawak ng terorista na siyang sentro ng mga operasyon ng militar.
Samantala, sinimulan na ang pagtatayo sa dalawang model house na gagamiting batayan sa konstruksyon ng limang libong bahay para sa mga evacuee.
Ayon sa DPWH region 10, nuong isang linggo pa sinimulan ang ground work para sa relocation site at inaasahang matatapos ngayong linggo ang mga model house.
Ang relocation site ay may lawak na labing-isang ektarya na matatagpuan sa barangay sagongsongan sa Marawi City at hinati sa limang area.