ABERYA | Bagon ng MRT-3, umusok sa bahagi ng Kamuning at Cubao station

Manila, Philippines – Daan-daang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang pinababa sa pagitan ng Kamuning at Cubao station matapos na umusok ang isa sa mga bagon ng tren.

Ala 1:42 kaninang hapon nang mangyari ang aberya.

Ayon sa control center ng MRT-3, nagmula ang usok sa upuan ng mga pasahero kung saan posible anilang nagkaproblema ang electronic components ng tren.


Napilitan namang maglakad sa riles ang mga pasahero hanggang makarating sa flat form ng Cubao station.

Alas 2:46 naman ng i-lift ang ipinatupad na provisional service ng MRT kung saan nilimitahan lang kanina ang biyahe ng mga tren sa shaw boulevard hanggang Taft at vice versa.

Dinala na sa depot ang nasirang tren para isailalim sa diagnosis at repair.

Facebook Comments