Manila, Philippines – Ikinatuwa at ipinagpasalamat ng mg Senador ang pagbabalik ng Kamara sa nakalaang 2018 budget para sa Commission on Human Rights, Energy Regulatory Commission at National Commission on Indigenous People.
Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto III dahil sa nabanggit na hakbang ng Kamara ay nawalan ng sakit sa ulo ang Senado na dulot ng nauna nitong pagbibigay ng tig-1000 pisong pondo sa nabanggit na mga ahensya.
Tiwala naman si Senator Panfilo Ping Lacson, na dahil sa ginawa ng kamara ay hindi na magaganap ang inaasahang aberya sa pagsalang ng 2018 national budget sa Bicameral Conference Committee.
Bunsod nito ay nakatitiyak si Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda na maipapasa sa takdang oras ang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Maging si Senator Chiz Escudero na nangakong ipaglalaban na maibalik ang budget ng CHR ay natuwa at nagpasalamat sa pasya ng Mababang Kapulungan.