Manila, Philippines – Naantala ang pagpaparehistro at renewal ng mga lisensiya ng higit 100 opisina ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa aberya sa kanilang internet connection.
Ayon kay LTO Assistant Chief for Operation Danny Encela, nag-offline ang system sa higit 100 tanggapan ng ahensiya bunsod ng problema.
Aniya, mayroon namang ilang tanggapan ng LTO na gumagana man ang internet ay mabagal naman.
Base sa internet service provider ng LTO na PLDT, nasira ang ilang fiber optic cable nila kaya nahihirapan kumonekta sa internet at makatawag ang kanilang mga subscriber.
Tiniyak naman ng LTO na aabisuhan nila ang mga apektadong motorista kung kailan pwedeng bumalik ang mga ito para ituloy ang pagpoproseso ng kanilang dokumento.
Facebook Comments