ABISO | Mga bagong barya, hindi pa pwedeng gamitin sa ticket vending machine ng LRT at MRT

Manila, Philippines – Nagbigay abiso ang pamunuan ng LRT at MRT na hindi pa magagamit sa mga sa Ticket Vending Machine (TVM ) ang mga bagong barya inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa pamunuan ng LRT, kailangan munang i-reconfigure ang kanilang mga TVM para sa bagong disenyo ng mga barya.

Ang mga bagong barya ay maaaring magamit sa pagbili ng single journey ticket, Stored Value Card (SVC) o top-up SVC mula sa mismong mga station teller.


Nabatid na sa susunod na taon pa puwedeng gamitin sa mga TVM ang mga bagong barya.

Facebook Comments