Abiso nina President-elect at Vice President-elect kaugnay sa kanilang inagurasyon, hinihintay na lang ng PNP

Naghihintay na lang ang Philippine National Police (PNP) ng abiso mula sa kampo ni President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte para sa kanilang pinal na plano kaugnay sa kani-kanilang inagurasyon.

Ayon kay PNP Directorate for Operations PMaj. General Valeriano de Leon, magpapatupad sila ng “Appropriate Security Measures” depende kung saang gusto ng dalawang opisyal isagawa ang kanilang inagurasyon.

Ngunit mayroon na aniya ang PNP na nakahandang “Major Events Security Framework” sa mga ganitong klaseng aktibidad.


Sinabi ni De Leon, tradisyonal na isinasagawa ang inagurasyon ng Pangulo sa Rizal Park, 12:00 ng tanghali sa June 30; habang nagpahayag naman ng kagustuhan si VP-elect na idaos sa Davao ang kanyang inagurasyon sa June 19.

Siniguro naman De Leon na pahihintulutan ng PNP ang mga gustong magsagawa ng kilos protesta basta’t ito’y sa tamang lugar at hindi makakasagabal sa trapiko o lilikha ng kaguluhan.

Facebook Comments