ABISO | Patakaran sa sahod para sa Holiday ng 2019, inilabas na ng DOLE

Manila, Philippines – Nagpalabas na ng abiso ang Department of Labor and Employment patungkol sa pa-iiraling Holiday Pay sa Pribadong Sector sa 2019.

Nakasaad sa Labor Advisory No. 15, Series of 2018, ang pagkukuwenta at tamang pasahod para sa 12 Regular Holiday at siyam na Special (Non-Working) day sa taong 2019, na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Proclamation No. 555, series of 2018.

Kabilang sa mga Regular Holiday ang Bagong Taon (Enero 1), Araw ng Kagitingan (Abril 9), Huwebes Santo (Abril 18), Biyernes Santo (Abril 19), Araw ng Paggawa (Mayo 1), Araw ng Kalayaan (Hunyo 12), Araw ng mga Bayani (Agosto 26), Araw ni Bonifacio (Nobyembre 30), Pasko (Disyembre 25), at Araw ni Rizal (Disyembre 30).


Ginugunita rin ang Muslim Holiday tulad ng Eidul Fitr o ang pagdiriwang sa pagtatapos ng Ramadhan at Eidul Adha o ang pagdiriwang ng ‘Feast of Sacrifice, kung saan ilalabas ang Proklamasyon kapag natukoy na ang tiyak na petsa ng Islamic Holiday ayon sa Islamic Calendar (Hijra) o ang Lunar Calendar, o ayon sa Islamic Astronomical Calculation.

Facebook Comments