Abiso sa mga motorista

Dahil tukod na ang traffic bunga ng aksidente sa East Service Road bago dumating ng Sucat Interchange, Muntinlupa City.

Isang trak kasi na may lamang buhangin ang tumagilid sa nasabing lugar bago mag alas sais kaninang umaga.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Muntinlupa Traffic Bureau may iniwasang jeep na punong puno ng pasahero yung trak dahilan kung bakit ito tumagilid hanggang humiwalay ang likuran nito sa pinaka tractor head.


Wala namang sugatan sa nasabing aksidente.

Pero dahil sa aksidente, asahan na ang heavy hanggang standstill na traffic sa East Service Road na tumukod na hanggang San Pedro Laguna.

Sa ngayon hinahakot na ang buhangin mula sa tumagilid na trak sa pamamagitan ng bulldozer at nagpadala narin ng tow truck upang alisin ang trak.

Hawak narin ng pamunuan ng skyway ang driver ng trak at ituturn over sa mga otoridad para sa kakaharapin nitong mga kaso.

Facebook Comments