Sinusuri na ng Bureau of Soils and Water Management ang abo at lupa na ibinuga ng bulkang Taal.
Layunin nito na madetermina kung angkop pa ring tamnan ng mga agricultural crops ang mga apektadong lugar na nabalutan na ng volcanic ash.
Kasalukuyan na ring isinasailalim sa assessment ng High Value Crop Development Program at Bureau of Plant Industry ng DA ang pinsala sa mga pananim na kape, pinya, langka, saging, at iba pang halaman sa lugar.
Ayon kay DA-BPI Assistant Director Glenn Panganiban,nakapaghanda na sila ng mga planting materials na ipamahagi para sa rehabilitasyon.
Nangako naman ang Philippine Coconut Authority, na maglalabas ng pondo para magtanim uli ng mga niyog sa mga totally-damaged areas.
Sa usapin naman ng livestock
Makakatanggap din ng tulong ang mga farm-owners para maibangon ang industriya ng pangkahayupan.
Makipag ugnayan din ang BAI sa mga concerned LGUs para sa pag rescue at pagpastolan ng mga alagaing hayop na apektado ng ashfall.