Abo ng Pinay na kabilang sa mga namatay sa Hamas attack, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang abo ng isa pang Pilipinong namatay sa pag-atake ng Hamas sa Israel.

Ang abo ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Grace Prodigo-Cabrera ay inuwi ng kanyang kapatid na si Mary June Prodigo.

Si Mary June ay sumakay sa flight ng Etihad Airways na sinakyan ng ika-limang batch ng repatriates mula Israel.


Sumalubong din sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang iba pang kaanak ni Mary Grace kabilang na ang kanyang ina na si Ginang Paterna Prodigo.

Ang 5th batch ay binubuo ng 22 returning OFWs at isang sanggol.

19 sa umuwing OFWs ay caregivers habang ang iba naman ay hotel workers.

Facebook Comments