Inilibot kaninang umaga sa mga kalye sa lungsod ng Maynila ang abo ng yumaong si dating Manila Mayor Alfredo Lim, bago ito ilagak sa kaniyang inurnment.
Ang urn ng yumaong alkalde ay unang dinala sa Manila City Hall, sa Manila Police District at sa National Bureau of Investigation headquarters kung saan siya noon nanungkulan.
Dinala rin ang abo ni Lim sa Senado sa Pasay City na kung saan siya ay naging Senador din noong 2007.
Humihinto at nagbibigay pugay rin ang mga motorista na nadadaanan ng funeral convoy ni Lim.
Matapos ang motorcade ay dinala ang urn ni Lim sa simbahan sa Tondo para sa misa bago ito inilagak sa Manila North Cemetery.
Si Lim ay pumanaw noong August 8, 2020 sa edad na 90.
Facebook Comments