Abo ni dating PNP Comptroller MGen. Jovic Ramos, dinala sa Camp Crame

113

Dinala sa Camp Crame sa Quezon City ang abo ni dating PNP Comptrollership Director Police Major Gen. Jovic Ramos.

Binigyan ito ng arrival honors sa harap ng PNP National Headquarters Building at iminartsa patungo sa St. Joseph Chapel na sa loob din ng Camp Crame.


Ang labi ni Ramos ay mananatili sa Camp Crame hanggang bukas (October 23, 2020) para sa ilang mga aktibidad gaya ng necrological service, vigil at viewing.

Si Ramos ay namatay kahapon ng madaling araw matapos ang pitong buwang pagkaka-comatose sa ospital.

Isa siya sa mga pasahero ng helicopter na bumagsak noong March 5, 2020 sa San Pedro Laguna kasama si dating PNP Chief General Archie Gamboa at ilan pang PNP officers.

Facebook Comments