Abogado at dating pulis, patay nang pagbabarilin ng kanilang kasama sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang abogado at dating pulis matapos barilin ng kanilang kasamahan sa loob ng sasakyan sa Paco, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na si Atty. Elmer Mitra Jr, 38 taong gulang na nabatid na anak ng isang prosecutor sa Pasay City, habang ang isa namang biktima ay si Alvin Cruzin, 44 taong gulang, na dating miyembro ng Manila Police District.

Kapwa nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang dalawang biktima na dahilan ng kanilang pagkasawi.


Batay sa kuha ng CCTV, nailarawan ng MPD ang itsura ng suspek na nakasuot ng kulay blue na t-shirt, light cargo pants at may taas na 5’9 .
Sa ngayon ay patuloy pa rin sa pagkuha ng impormasyon ng kapulisan sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo nito sa pagpatay sa mga biktima.
DZXL558

Facebook Comments