Abogado at ilang opisyal ng Wellmed Dialysis Center, lumutang sa NBI

Matapos padalhan ng subpoena ng NBI, lumutang sa naturang tanggapan ang abogado at ilang opisyal ng Wellmed Dialysis Center

 

Ito ay para magbigay ng kanilang panig kaugnay ng sinasabing ghost claims sa Philhealth ng nasabing dialysis center

 

Sa kanyang pahayag sa media, sinabi ni Atty Roel Ilagan, abogado ng Wellmed, na ang whistleblowers na sina Liezel Santos at Edwin Roberto ang may ginawang katiwalian habang noong nakatalaga pa ang mga ito sa nasabing dialysis center


 

Si Roberto ay dating assistant manager ng Wellmed habang ang kanyang karelasyon at kapwa-whistleblower na si Santos ay cashier ng Philhealth na nakabase sa Wellmed.

 

Sinabi pa ni Atty Ilagan na nagipit lamang ang dalawa nang mabuking nila ito sa kanilang modus operandi kaya inunahan sila ng mga ito sa pagsisiwalat sa publiko.

 

Ayon kay Ilagan, naghahanda na rin sila  ng kasong isasampa laban kina Santos at Roberto.

Facebook Comments