Abogado, Kinuwestyon ang Pag-utang ng P158-M ng LGU San Isidro

ABOGADO, KINUWESTYON ANG PAG-UTANG NG P158-M LOAN NG LGU SAN ISIDRO
Cauayan City, Isabela- Naghain ng protesta ang isang abogado sa Sangguniang Bayan na kumukwestyon sa milyong pisong inutang ng LGU San Isidro sa Development Bank of the Philippines (DBP) na gagamitin umano sa pagpapagawa ng ilang proyekto gaya na lamang sa pagpapatayo ng pampublikong palengke.

Base sa inihaing protesta, ang pag-utang ng P158 milyon ay pahirap para sa bayan dahil kinakailangan itong bayaran ng LGU sa loob ng labinlimang (15) taon.

Hindi rin umano malinaw kung ano pa ang paglalaanan ng naturang halaga ng utang.


Giit ng abogado, bilang isang taxpayers ay karapatan ng sinuman ang alamin ang paggagamitan ng nasabing halaga ng pera.

Inihain ang nasabing protesta ni Atty. Armando C. Velasco ng San Isidro.

Facebook Comments