Todo paliwanang ngayon ang abogado ng mga respondent sa hindi pagbasa ng sakdal sa mga dayuhang sangkot sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa lungsod ng Pasay.
Hindi kasi natuloy ang pagbasa sana ng sakdal ngayong araw sa nasa halos 30 mga dayuhan na kabilang sa sinalakay na POGO hub sa Pasay City.
Ayon kay Atty. Gloria Pilos-Quintos, abogado ng mga respondent, naka-leave ang hukom na may hawak sa kaso kaya’t hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal sa mga akusado.
Ito’y para sana sa kasong kinahaharap ng mga akusado sa Pasay City RTC Branch 111 dahil sa kasong paglabag sa Section 20.1 ng Republic Act o RA 8799 Security Regulations Code.
Samantala, inilipat naman ang arraignment o schedule sa Agosto 30, alas-8:30 ng umaga.