
Tumutulong na rin ang abogado ng Migrant Workers Office sa Israel sa mga Pilipinong naapektuhan ng giyera sa pagitan ng Israel at Iran.
Ito ay upang matiyak na makukuha ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang mga benepisyo at tulong na nararapat para sa kanila.
Patuloy pa rin ang pagtutok ng Department of Migrant Workers – Overseas Workers Welfare Administration (DMW-OWWA) sa kalagayan ng OFWs sa mga apektadong lugar, katuwang ang Embahada ng Pilipinas at ang Filipino community leaders sa Israel
Personal din na binisita ng OWWA Team sa Israel ang ilan sa OFWs na kasalukuyang ginagamot sa ospital sa Israel.
Sa ngayon, nananatili sa ICU sa ospital sa Israel ang isang Pinay na nasa kritikal na kalagayan matapos mahagip ng missile ng Iran.
Facebook Comments









