Abogado ng Optical Media Board sa Naga City, arestado ng NBI dahil sa robbery – extortion

Nahaharap sa kasong sa robbery – extortion at paglabag sa anti – graft and corrupt practices act ang isang abogado ng Optical Media Board (OMB) sa Naga City, Camarines Sur.

Ang suspek na si Atty. Ferdino Condez ay naaresto sa entrapment operation na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) – Naga District Office.

Nag-ugat ang reklamo laban kay Atty. Condez matapos kumpiskahin ang mga memory cards at mga cellphones na display ng HYH Cellphone and Accessories at hiningian nito ng kalahating milyong piso kapalit ng hindi pagpapasara sa kanilang establisyemento.


Nagkaroon naman ng tawaran at nakiusap ang biktima na P350,000 lamang ang kaya niyang ibayad, na naging daan upang maisagawa ang entrapment operation sa isang hotel sa Naga City.

Facebook Comments