Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nagbitiw na ang abogado ni dating Land Trasnportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Assistant Jeff Tumbado kaya hindi ito nakaharap sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw.
Ayon kay DOJ Undersecretary Brigido Dulay, dahil dito ay humihiling si Tumbado ng pagkakataon para makahanap ng bagong abogado.
Maliban dito, nakatanggap din ng ulat ang DOJ na masakit ang ngipin ni Tumbado at kinakailangan nitong magpunta sa dentista kaya “no show” ito sa subpoena ng NBI.
Dahil dito, kailangan daw nilang hintayin ang magiging salaysalay ni Tumbado bago simulan ang imbestigasyon.
Facebook Comments