Abogado ni Mark Taguba, kinuwestiyon ang drug case na isinampa ng NBI

Manila, Philippines – Kinuwestiyon ni Atty. Raymond Fortun, abogado ni Customs Broker Mark Taguba ang inihaing kaso ng NBI sa Department of Justice kaugnay ng 6.4-Billion shabu shipment mula sa China.

Sa preliminary investigation ng DOJ, kinuwestiyon ni Fortun kung bakit hindi isinama sa mga inirereklamo ang mismong nagpadala ng droga mula China na si Tong Yan Ping.

Naniniwala din ang kampo ni Taguba, tagilid ang isinampang kaso ng NBI matapos lumabag sa pagdinig ng Senado na tainted na ang mga ebidensya sa nadiskubreng shabu sa warehouse sa Valenzuela.


Ayon kay Fortun, partikukar dito ang maling proseso ng isinagawang raid ng Bureau of Customs sa warehouse ng Hongfei Logistics.

Si Fortun ay abogado rin ng isa pang akusado na si Teejay Marcellana.

Facebook Comments