Abogado ni Pastor Apollo Quiboloy at iba pa, sinampahan ng reklamo sa DOJ

Naghahain ng reklamong sedisyon at inciting to sedition ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Apollo Quiboloy at mahigit 12 iba pa.

Bunsod ito ng naging hakbang ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ noong Agosto nang pigilan ang tangkang pag-aresto ng mga pulis sa pastor.

Kasama rin sa mga inireklamo ng PNP-CIDG sa pangunguna ni Brig. Gen. Nicolas Torre ang iba pang lider at kasapi ng Kingdom of Jesus Crist (KOJC) na sina Eleanor Cardona, Carlo Catiil, Jeffrey Celis at ang dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Lorraine Badoy-Partosa.


Kasama sa batayan ng reklamo ng PNP-CIDG ang pagsasagawa ng kilos-protesta ng mga kasapi ng KOJC sa lansangan taliwas sa permiso ng lokal na pamahalaan na prayer rally lamang sa loob ng compound ng grupo.

Gayundin ang paghaharang ng mga sasakyan at direktang pagpigil kung kaya’t may nasaktang mga pulis.

Facebook Comments