
Naglabas ng pahayag ang abogado ni Senator Bato dela Rosa sa gitna ng patuloy nitong pagliban sa trabaho bilang mambabatas.
Ito ay kahit na wala pa namang warrant na isinasapubliko kaugnay sa kasong kinakaharap ni dela Rosa sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Dela Rosa, bagama’t personal na desisyon ito ng kaniyang kliyente ay hindi niya ito pinakikialaman.
Pero sa ilalim aniya ng legal principle, dapat tiyakin at linawin ng gobyerno ng Pilipinas na walang Pilipinong isusuko, ililipat o dadalhin sa foreign tribunal na isang paglabag sa Konstitusyon at sa mga umiiral na batas.
Hindi aniya ito pag-iwas pero iginiit ni Torreon na walang dapat na naaayon sa batas ang proseso at sa ilalim ng mga korte sa Pilipinas.
Sakali naman daw na may mga akusasyon na kailangang sagutin ay may kapangyarihan na umaksyon ang justice system ng bansa at hindi na kailangan pang manghimasok ang anumang foreign body.
Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na wala pa silang hawak na opisyal na arrest warrant laban kay Dela Rosa mula sa ICC.









