Manila, Philippines – Nakatakdang magsampa ng Reiteratory Motion sa QC Metropolitan Trial Court si Atty. Filibon Tacardon abogado ni senador Leila De lima kung saan ipaliliwanag nila sa korte kung bakit hindi dapat ikonsidera na amendments ang isinampang Judicial Amendments ng prosekusyon.
Ayon kay Atty. Tacardon nagtataka ang kanilang kampo kung bakit magkaiba ang isinampa ng Prosekusyon at ang ibinigay sa kanila na kopya kayat hindi umano nila tuloy ito magagamit sa korte bilang ebidensiya.
Sabi ni Atty. Tacardon hihilingin nila sa korte upang hindi makapagtestigo ang hawak na witness ng Prosekusyon at pinatatanggal din nila sa record ang Judicial Amendments na isinampa ng Prosekusyon sa korte.
Matatandaan na ipinapaliban sa July 14 ang pagdinig sa kaso ni Senador Leila De lima na Disobedience to Summon dahil sa nagkaroon ng problema sa isinampang Judicial Affidavit ng Prosekusyon sa korte.
DZXL558