ABOGADO TI MANNALON PROGRAM, INAASAHANG ILULUNSAD NG DAR REGION 2

CAUAYAN CITY – Inaasahan ang paglulunsad ng Department of Agrarian Reform (DAR) Region 2 ng programang ‘Abogado ti Mannalon’ (ATM) para sa mga nangangailangang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa lambak-Cagayan.

Ayon kay Regional Director Primo Lara, ang programang ATM ay binubuo ng grupo ng mga abogado na miyembro ng asosasyon ng mga abogado, Integrated Bar of the Philippines, Department of Justice, maging sa Public Attorney’s Office.

Ang naturang programa ay sa ilalim ng Agrarian Justice Delivery Program at may layuning makapagbigay ng libreng legal assistance ang mga mahihirap na magsasaka upang mapabilis ang pagresolba sa ng kasong kinakaharap ng ARBs sa rehiyon.


Maliban sa ATM, patuloy ang pagpapatupad ng kanilang Agrarian Reform Justice on Wheels (ARJOW) kung saan ay personal na pinupuntahan ng DAR Adjudication Board ang mga liblib na lugar para magsagawa ng paglilitis sa mga kasong kinasasangkutan ng kanilang mga lupang sinasaka.

Facebook Comments