Abogadong hinihiling na isapubliko ang health records ni Pangulong Duterte, dapat tanggapin ang pagkatalo ayon sa Malacañang

“Dapat aminin na ang pagkatalo”

Ito ang banat ng Malacañang sa abogadong humiling sa Korte Suprema na atasan si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang health records nito.

Nabatid na hinamon ng abogadong si Dino De Leon si Presidential Spokesperson Harry Roque na patunayan na si Pangulong Duterte ay 88% healthy.


Ayon kay Sec. Roque, tanggapin na lamang ni De Leon ang kanyang pagkatalo.

Sinabi rin ni Roque na dapat respetuhin ni De Leon ang ibinabang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na nagbabasura sa petisyon nito.

Batay sa desisyon, binigyang-diin ng Korte Suprema na nakikita si Pangulong Duterte na dumadalo sa mga regular televised meetings, patunay na aktibong ginagampanan ng Pangulo ang official duties nito.

Facebook Comments