Abogadong nagkalat ng fake news na may inilabas na TRO ang Supreme Court na pumipigil sa pag-aresto kay FPRRD, dapat maparusahan

Nananawagan sina House Assistant Majority Leaders Jay Khonghun ng Zambales at Ernix Dionisio Jr., ng Maynila na maparusahan si Atty. Raul Lambino.

Giit ito nina Khonghun at Dionisio, makaraang ikalat umano ni Lambino ang fake news na naglabas ang Supreme Court ng temporary restraining order (TRO) na pumipigil sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte alinsunod sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Rep. Khonghun, ang mga abogado ay may tungkulin na isulong ang katotohanan kaya dapat silang managot kung magsasabi sila ng fake news at kasinungalingan.


Diin naman ni Rep. Dionisio, delikado ang pagkakalat ng peke at hindi totoong mga impormasyon na maaring magresulta sa kaguluhan at layuning linlanging ang publiko at sirain ang imahe ng mga institusyon tulad ng hudikatura.

Facebook Comments