Abogadong pumirma sa notary ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ipatatawag ng NBI

Ipatatawag ng National Bureau of Investigation o NBI ang abogadong si Atty. Elmer Galicia na nag-notaryo sa counter affidavit ni Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito’y para pagpaliwanagin sa notaryong may petsang August 14 kahit mayroong mga impormasyon na July 16 pa lang ay nakaalis at wala na sa bansa si Guo.

Paliwanag ni NBI Director Jaime Santiago, kapag napatunayan na hindi personal na kaharap ng abogado ang isang nagpapa-notaryo ito ay papasok sa paglabag sa Ethics at Rules on Notarial Practice.


Una nang sinabi ni Galicia na personal niyang nakita at nakausap si Guo nang isagawa ang notaryo at nagpakita pa ng driver’s license.s

Facebook Comments