Abogadong senior citizen na naghain ng petisyon sa Korte Suprema kaugnay ng quarantine restriction sa mga nakatatanda, binasura ng mga mahistrado

Binasura ng Supreme Court ang petisyon na inihain ni dating Valenzuela City Prosecutor at dating Chairman of the National Commission for Indigenous People Atty. Eugene Insigne.

Partikular ang kahilingan ni Insigne na mag-isyu ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO), o Writ of Preliminary Injuction laban sa aniya’y hindi makatarungang restriksyon sa mga nakatatanda sa panahon ng community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Supreme Court, dapat ay sa regional trial court inihain ni Insigne ang kanyang petisyon at hindi siya agad dumiretso sa Kataas-Taasang Hukuman


Una nang iginiit ni Insigne sa kaniyang petisyon na wala umanong ligal na basehan o constitutional basis para i-quarantine ang mga nakatatanda.

Ayon kay Insigne, marami siyang nais gawin pa sa kanyang pagreretiro ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay nabago ang lahat.

Respondents sa petisyon ang Inter-Agency Task Force, si Health Sec. Francisco Duque III, DILG Sec. Eduardo Año at iba pa.

Facebook Comments