
Lumagda sa isang kasunduan ang retail arm ng Aboitiz Power Corp., na Advent Energy, para sa pagbibigay ng suplay ng kuryente sa dalawang pasilidad ng Frabelle Cold Storage Corp. sa ilalim ng New Power Aggregation deal.
Sa ilalim ng kasunduan, maghahahatid ang Advent Energy ng humigit-kumulang 746 kilowatts na kapasidad para sa dalawang cold storage operations ng Frabelle sa Navotas.
Naging posible ito sa pamamagitan ng Retail Aggregation Program ng Energy Regulatory Commission (ERC), na nagbibigay-daan sa mga kwalipikadong kliyente na pagsamahin ang kanilang konsumo ng kuryente upang makapasok sa kompetitibong merkado.
Ayon kay Advent Energy Vice President for Retail Operations and Portfolio Management Gina Camacho-David, makatutulong ang kasunduan upang mapanatili ang kalidad ng mga produktong pagkain.
Samantala, sinabi ni Frabelle Cold Chain President Wilfredo Salazar na isang makabuluhang hakbang ito upang maprotektahan ang mga kritikal na industriya laban sa pabagu-bagong gastos sa enerhiya.










