Abortion Policy ng Iceland, binatikos ni Pangulong Duterte

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Abortion Policy ng bansang Iceland.

Sa kanyang talumpati sa 31st Anniversary ng Comprehensive Agrarian Reform program sa Quezon City, tinirada ng pangulo ang Iceland dahil sa pagpayag nito na “patayin” ang fetus sa loob pa lamang ng sinapupunan ng ina sa ika-anim na buwan nito.

Mariin niyang tinututulan ang abortion at sinabi pa niyang manigas sila sa lamig sa kanilang bansa.


Una na ring binatikos ng pangulo ang Iceland dahil sa pagpasa nito ng resolusyon sa United Nations Humang Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang Extrajudicial Killings sa Pilipinas.

Facebook Comments